Saturday, March 3, 2012

Pick-Up Lines For Break Ups :)



Lahat naman tayo pamilyar sa mga pick-up lines na pinauso ni Boy Pick-Up (Ogie Alcasid) ng Bubble Gang. Sumikat ito dahil narin sa dala nitong “kilig factor” na maaaring maramdaman ng taong sinasabihan mo nito.
 Ngayon , ito ang mga maipapamahagi ko sa inyo. Ang iba’t-ibang pick-up lines na para sa mga nagbe-break Up :
***
G: Pansit ka ba?
B: Bakit?
G: Kasi, sa sobrang haba na ng atraso mo sakin,
gusto ko nang putulin ang relasyon natin eh. </3
(‘Wag naman kasi sunod-sunurin ang paggawa ng kasalanan!!)
***
B: Utot ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi, kahit maginhawa ang pakiramdam ko ‘pag nilalabas kita,
marami pa ring galit sakin ng dahil sayo eh. </3
(Eh bakit mo ba naman kasi iisipin ang sinasabi ng iba kung dun ka naman sasaya kuya??)
***
G: Kriminal ka ba?
B: Bakit?
G: Pinapalayo na kasi ako ng tatay ko sayo eh. </3
(Ate, ang pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang!! Anu bang silbi ng pagmamahal kung hindi mo sya kayang ipaglaban??)
***
G: Siguro may expiration date ka noh?
B: Bakit?
G: Kasi, sa umpisa sweet ka, pero hindi ka na ganun nung tumagal eh. </3
(‘Wag ka kasi pakasiguro sa mga pinapakita niyang ugali sa simula!!)
***
B: Tinapay ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi, sa simula ang lambot ng puso mo, pero nung tumagal na,
ang tigas na ng puso mo eh. </3
(Hindi titigas ang tinapay kung hindi mo palalamigin KUYA!! ‘Wag palamigin ang relasyon!! Sinasadya mo ata eh!!)
***
B: Siguro hindi ka nag-aaral mabuti noh?
G: Bakit naman?
B: Kasi kahit ako, hindi mo na maintindihan eh. </3
(‘Wag kasi magmatigas!! Kadalasan, ang taong mahirap makaunawa ay ang taong mataas ang tingin sa sarili!!!)
***
G: Aso ka ba?
B: Bakit?
G: Kasi sabi mo ako lang ang mahal mo,
pero kung kani-kaninong babae ka pa lumalapit
tapos hindi ka pa marunong pumili ng lugar. </3
(‘Wag naman kasing malandi KUYA!! Daig mo pa mga pa-chix na rumarampa sa sobrang kalandian eh!!)
***
B: Baril ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi tinamaan nga ako sayo,
mamatay-matay naman ako sa sobrang sakit ng mga ginagawa mo. </3
(‘Wag ka kasi pa-choosy ate lalo na kung hindi kagandahan!! Baka maubusan ka nyan!!)
***
B: Tae ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi, hindi nga kita mapaglaruan,
‘di naman kita mapakinabangan. </3
(Hindi ata Girlfriend ang gusto nito eh... DISPLAY ata!!!)
***
B: Eyebags ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi kahit nagpakahirap ako para lang magkaroon
ng isang tulad mo, nilalait parin nila ako. </3
(Ipaglalaban mo kasi ang taong mahal na mahal ka diba??’Wag ka ngang eyebags ate!!)
♥♥♥♥♥
Oh well , totoong hindi mo masasabi ang takbo kapalaran.
Minsan akala mo kayo na talaga para sa isa’t-isa pero isang araw mararamdaman mo na wala na ang lahat. Wala nang kilig... wala nang lambing... wala na. Kahit gaano kasakit ang maramdaman ng taong minsan mong minahal, kailangan mo pa ring aminin sa kanya ang katotohanan.

Laging tatandaan:
Ang pag-ibig ay darating sa tamang pagkakataon. Huwag natin itong madaliin. Ang tunay na pag-ibig ay handang maghintay para sa iyong ikabubuti. Hangga’t bata ka pa, mag-enjoy ka lang at pag-aaral muna dapat ang top priority mo. J