Wednesday, January 23, 2013

Alam mo yung tipong...

Yung tipong nagmamahal ka, pero patago.
Yung tipong sinasaktan mo yung sarili mo, pero wala syang pakialam.
Yung tipong nagmamadali kang makita sya, tapos di ka pala sisiputin.
Yung tipong ipapakilala mo sya sa inyo, pero pinakilala mo sya bilang KAIBIGAN.
Yung tipong nasasaktan ka na nga, ikaw pa sinisisi.
Yung tipong masaya sya, sa piling ng iba.
Yung tipong sya ang may mali, tapos ikaw ang magagalit.
Yung tipong araw-araw mo syang iniisip, tapos sya inaalala ka lang kapag may kailangan.
Yung tipong hinihintay mong magkita kayo, pero hindi sya yung dadating sa date nyo.
Yung tipong bumili ka ng pagkain para sa kanya, tapos iniwan ka na pala.
Yung tipong pinagtatanggol mo sya sa mga kaibigan mo pero sinisira ka nya sa mga kaibigan nya.
Yung tipong mahal mo pero hindi ka mahal.
Yung tipong may minamahal ka, pero KAIBIGAN ka lang talaga para sa kanya.
Yung tipong nahulog ka sa isang tao, pero hindi ka pala sasaluhin.
Yung tipong wala kang ibang bisyo kundi ang magmahal ng taong hindi ka mahal.
Yung tipong kasama mo sya pero iba ang nasa isip nya.
Yung tipong nakikita mo sya, pero kasama ng iba.
Yung tipong ipaglalaban mo sya kahit kanino tapos iiwan ka rin pala.
Yung tipong mas mabilis pang mapanis yung mga pangako nya kaysa sa sinaing mo kagabi.

PAG-IBIG NGA NAMAN ANO? =)
BASTA AKO, ANG BISYO KO LANG NAMAN AY MAGMAHAL NG TAONG HINDI AKO MAHAL EH. PERO HINDI AKO NALULUNGKOT... KASI HINDI KO SINASABI =D
@miriamdre on Twitter