Lahat
naman tayo pamilyar sa mga pick-up lines na
pinauso ni Boy Pick-Up (Ogie Alcasid) ng Bubble Gang. Sumikat ito dahil narin
sa dala nitong “kilig factor” na
maaaring maramdaman ng taong sinasabihan mo nito.
Ngayon , ito ang mga maipapamahagi ko sa inyo.
Ang iba’t-ibang pick-up lines na para sa mga nagbe-break Up :
***
G: Pansit ka ba?
B: Bakit?
G: Kasi, sa sobrang haba na ng atraso
mo sakin,
gusto ko nang putulin ang relasyon
natin eh. </3
(‘Wag
naman kasi sunod-sunurin ang paggawa ng kasalanan!!)
***
B: Utot ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi, kahit maginhawa ang
pakiramdam ko ‘pag nilalabas kita,
marami pa ring galit sakin ng dahil
sayo eh. </3
(Eh
bakit mo ba naman kasi iisipin ang sinasabi ng iba kung dun ka naman sasaya
kuya??)
***
G: Kriminal ka ba?
B: Bakit?
G: Pinapalayo na kasi ako ng tatay ko
sayo eh. </3
(Ate,
ang pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang!! Anu bang silbi ng
pagmamahal kung hindi mo sya kayang ipaglaban??)
***
G: Siguro may expiration date ka noh?
B: Bakit?
G: Kasi, sa umpisa sweet ka, pero
hindi ka na ganun nung tumagal eh. </3
(‘Wag
ka kasi pakasiguro sa mga pinapakita niyang ugali sa simula!!)
***
B: Tinapay ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi, sa simula ang lambot ng puso
mo, pero nung tumagal na,
ang tigas na ng puso mo eh. </3
(Hindi
titigas ang tinapay kung hindi mo palalamigin KUYA!! ‘Wag palamigin ang
relasyon!! Sinasadya mo ata eh!!)
***
B: Siguro hindi ka nag-aaral mabuti
noh?
G: Bakit naman?
B: Kasi kahit ako, hindi mo na
maintindihan eh. </3
(‘Wag
kasi magmatigas!! Kadalasan, ang taong mahirap makaunawa ay ang taong mataas
ang tingin sa sarili!!!)
***
G: Aso ka ba?
B: Bakit?
G: Kasi sabi mo ako lang ang mahal mo,
pero kung kani-kaninong babae ka pa
lumalapit
tapos hindi ka pa marunong pumili ng
lugar. </3
(‘Wag
naman kasing malandi KUYA!! Daig mo pa mga pa-chix na rumarampa sa sobrang
kalandian eh!!)
***
B: Baril ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi tinamaan nga ako sayo,
mamatay-matay naman ako sa sobrang
sakit ng mga ginagawa mo. </3
(‘Wag
ka kasi pa-choosy ate lalo na kung hindi kagandahan!! Baka maubusan ka nyan!!)
***
B: Tae ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi, hindi nga kita mapaglaruan,
‘di naman kita mapakinabangan. </3
(Hindi
ata Girlfriend ang gusto nito eh... DISPLAY ata!!!)
***
B: Eyebags ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi kahit nagpakahirap ako para
lang magkaroon
ng isang tulad mo, nilalait parin nila
ako. </3
(Ipaglalaban mo kasi ang taong mahal na mahal ka diba??’Wag ka ngang
eyebags ate!!)
♥♥♥♥♥
Oh
well , totoong hindi mo masasabi ang takbo kapalaran.
Minsan
akala mo kayo na talaga para sa isa’t-isa pero isang araw mararamdaman mo na
wala na ang lahat. Wala nang kilig... wala nang lambing... wala na. Kahit gaano
kasakit ang maramdaman ng taong minsan mong minahal, kailangan mo pa ring
aminin sa kanya ang katotohanan.
Laging tatandaan:
Ang
pag-ibig ay darating sa tamang pagkakataon. Huwag natin itong madaliin. Ang
tunay na pag-ibig ay handang maghintay para sa iyong ikabubuti. Hangga’t bata
ka pa, mag-enjoy ka lang at pag-aaral muna dapat ang top priority mo. J