Sunday, February 26, 2012

"B" STANDS FOR...

BOOOOOOOM !!!

Naalala ko lang .. Nung Tuesday , Feb. 21 is my Big day. Ayun ansaveh ! 17 na ren ako sa wakas dre !! hahaahah .. isang taon nalang pwede na ko mag-Working Student ♥

Oh well , back to the topic , nung BD ko wala akong ginawa kundi kumain ng kumain :) Kung sino-sinong nag-treat sakin sa labas :) mula sa school hanggang sa mall eh kumain lang ang ginawa ko.

Ngayon (Feb.26), 5 days na ang nakalipas mula nung BD ko pero ang nakaka-shock dun .. may nagbigay sakin ng gift ... ang EX ko xD kaya pala pinapili nya ako ng isa sa mga letters na "B" , "S" at "T"
Hindi ko naman talaga dapat tatanggapin eeh pero ang dami kaya!! Hmp! sya na mayaman! Ang nakakagulat pa don , WALA syang niregalong PAGKAIN ! xDD hahaha .. akala ko kasi puro pagkain ang matatamasa ko sa Birthday ko kaya umasa akong pagkain ang ibibigay nya xD

Naisip ko lang .. anu kaya kung letter S ang pinili ko ? S for Silver or Shoes kaya ? Eh yung T kaya ? T for Tinapay or T-back kaya ?
(hahahahaaha .. laughtrip yun aa!! 'Di naman ako nagsusuot ng T-back eeh xDD)

♥♥♥

Anyhow , sobrang thankful naman ako kay Papa God dahil sa mga blessings na binibigay nya sakin at dahil na rin sa mga nangyaring di ko inasahang mangyari :)

♥♥♥

So , "B" stands for ...

BLUE MAGIC with unkabogable roses and eksaheradang improvised pin :)

Saturday, February 25, 2012

Wanna Know Something About Her?

Isinilang ng 5:59am noong ika-21 ng Pebrero taong 1995 sa Rizal Medical Center
ang isang sanggol na babae na makakapagpabago ng ihip ng hangin... AVATAR ? xD

Well , isang magandang pagbati sa inyong lahat! Ako si Miriam Rose P. Nayra... dyahe ba ?
Mas komportable ako sa palayaw kong Yummy.. ayos maka-Nickname eh noh!? haha ..

OKEY .. Sino nga ba si Yum ?

    Masayahin. Aminado naman ako na minsan ay tumatawa na lang ako mag-isa pero aminado rin naman akong hindi sa lahat ng oras ay positibo ang nasa isip ko :)
    Maraming tao ang napapasaya ko nang dahil sa aking mga ngiti. Yun yung mga taong alam na kaagad na badtrip ang lola nyo :) Sila rin yung tipong sasabihan ako na "...smile ka na lang para masaya!..." kapag humihingi ako ng advice. Masarap maging masayahin pero minsan nakakalungkot din kasi akala na ng iba , nai-intimidate ko na sila.

    Makulit. Naku , kahit college na ko , hindi pa rin mawala sa routine ko yung pagiging pasaway. Pero dahil maraming developments and adjustments na nangyayari sa ngayon , medyo behave na naman ako lalo na pag may profs :)
    Kasama na sa pagiging makulit ko ang pagiging moody ko .. haaay .ewan pero kung minsan eh nag-i-emo ako nang ‘di ko namamalayan :)

    Madaling Makisama. Yung tipong madalas sabihin ng iba na “feeling close” ang first impression nila sakin. ^_^ Well , gusto ko talagang mapalagay ang loob ng mga tao sakin. Ang ayoko kasi sa lahat eh yung may nagagalit sakin. Mabilis din ako mag-complement. Di naman ako ganun ka-choosy :)
    Mahirap din yung lahat ka-close mo. May mga magseselos , May mga maiinggit at may mga mag-j-judge sayo. Wala naman akong magagawa kasi naniniwala akong hindi ko mape-please ang lahat ng tao.

FAVORITES ?

  • Food – Spaghetti and Cakes :)) (walang kamatayan !! So, Alam na pag may BIRTHDAY PARTIES Ah ^_^ INVITE nyo kooo xD)
  • Drink – Moo Shake ^_^
  • Color – Orange :) and White :)
  • Movie – Brave Heart
  • Song – Close to You (Carpenters) and Hero (Enrique Iglesias)


THAT’S ALL DRE! ♥♥